Upang matiyak ang agarang serbisyong medikal para sa mga QCitizens na nakakaranas o may sintomas ng acute stroke, inilunsad ng lokal na pamahalaan at ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang Community Telestroke Network ngayong araw.
Layon ng Telestroke Program na mapabilis ang referral system ng mga QC health workers sa mga health centers papuntang EAMC upang malapatan ng nararapat na lunas ang mga pasyente.
Kasama ng Alkalde sa paglagda sa MOA sina EAMC Chief Legal Officer Atty. Ronnie Ragonton, Chief Medical Professional Staff II Dr. Allan Baquir, Department of Neurosciences Chair Dr. Levi S. Rejuso Jr., QC Health Department (QCHD) Dr. OIC Ramona Asuncion DG. Abarquez, at QCHD Acting Assistant City Health Officer Dr. Maria Eleria.
Kasabay nito ang pagpapasinaya ng EAMC sa Joven R. Cuanang Neurosciences Foundation Research Center.
Dumalo rin sa programa sina Dr. Joven R. Cuanang, Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, at QC Chief Health Operations Officer Dr. Dave Vergara.




