Nilagdaan ngayong araw ang kasunduan para sa donasyon ng mga wood by-products tulad ng fallen trees mula sa Forbes Park Association, Inc. na maaaring gamitin ng mga persons deprived of liberty (PDLs) para sa programang No Juan Left Behind sa Bureau of Jail Management and Penology sa Payatas.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Forbes Park Association, Inc. Governor, Ms. Carmen Jimenez-Ong, ang pagpirma sa kasunduan.
Saksi sa MOA signing ceremony sina City Architect Red Avelino at Mr. Michael Velaso ng City Parks Development and Administration Department.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, makapagbibigay ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan at kasanayan, bukod sa isinusulong ang inklusibong pag-unlad para sa mga benepisyaryo.








