Pormal nang magiging magkatuwang ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon at ang Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines – Metro Manila Chapter (IIE-MMC) matapos ang MOA signing na idinaos ngayong araw.

Layon ng MOA signing na magkaroon ng libreng training ang mga kawani ng lokal na pamahalaan partikular na ang mga electrical engineers at mga trabahong may kinalaman dito.

Nitong Hulyo, nasa 100 kawani ng lokal na pamahalaan ang dumaan sa training na pinangasiwaan ng IIEE-MMC.

Kasama ng Alkalde sa paglagda sa MOA sina Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado, IIEE-MMC President Engr. Juan Paolo Tolentino, at IIEE-MMC Regional Director Engr. Frederick Calamlam.