Mahigit 200 Senior QCitizens at persons with disability ang mabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho, sa ilalim ng special employment program ng Quezon City Government at Jollibee Food Corporation (JFC)!

Ngayong umaga, pormal nang lumagda si Mayor Joy Belmonte sa kasunduan sa JFC sa pangunguna ni JFC Vice President, Head of GOLC at HR Head for Philippines Ms Ruth Angeles.

Sa Memorandum of Agreement, 54 na JFC-owned stores kabilang ang Jollibee, Chowking, Greenwich, at Burger King ang magbibigay ng trabaho sa mga senior at persons with disability sa loob ng anim na buwan.

Ang QC Public Employment Service Office ang mangunguna sa paghahanap ng kwalipikadong aplikante para sa programa. Libre ring ibibigay ng Quezon City Government ang iba-ibang laboratory services na requirement sa trabaho, sa tulong ng City Health Department at tatlong city-owned hospitals.

Kasama ni Mayor Joy at Angeles sa ceremonial MOA signing sina National Council on Disability Affairs Executive Director Dandy Victa, NCDA Program Management Division chief Atty. Rhea Ramos, Persons with Disability Affairs Office Head Debbie Dacanay, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Social Services Development Department OIC Eileen Velasco, NDH OIC Dr. Luzviminda Kwong, QCGH Director Dr. Josephine Sabando, RMBGH Director Dr. Richard Cabotage at mga kinatawan mula sa JFC.

+23