MAY TRABAHO PARA KINA LOLA AT LOLO! ![]()
![]()
![]()
Mas marami nang oportunidad para sa ating mga nakatatandang QCitizens!
Aabot sa 100 senior citizens ang mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa 50 McDonald’s stores sa Quezon City sa ilalim ng kasunduan ng Quezon City Government at Golden Arches Development Corporation (McDonald’s Philippines), katuwang ang QC Public Employment Service Office (QC PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Pormal na nilagdaan noong Mayo 18, 2026 ang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong magbukas ng mas inklusibo at makabuluhang oportunidad sa hanapbuhay para sa sektor ng mga nakatatanda sa lungsod.
Patunay ito na sa Quezon City, may lugar at pagkakataon para sa lahat anuman ang edad. ![]()
Tingnan ang post na ito para sa karagdagang detalye: https://quezoncity.gov.ph/memorandum-of-agreement-signing-with-golden-arches-development-corporation-mcdonalds-philippines/






