Magiging bahagi na ng Pag-IBIG Fund ang mga contract of service at job order employees sa Quezon City government!
Nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte, Human Resource Management Department Asst. Head Angelito Obillo, Jr., Pag-IBIG Fund NCR North Area head Mervin Pereda, at DHSUD Branch head Ricky Alfaro ang kasunduan ukol dito.
Sa ilalim nito, maaaring makapag-avail ng Pag-IBIG regular savings at housing loan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod.




