INCLUSIVE QC!
Pormal nang magiging magkatuwang ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon at ang Philippine LGBT Chamber of Commerce Inc. (PLCC) matapos idinaos ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing.
Layunin ng MOA na mapalakas pa ang LGBTQIA+ business community at mga inklusibong programa ng lungsod para sa kanila.
Kasama ng alkalde sa paglagda sina Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Mona Yap, mga opisyal ng PLCC na sina Chairperson Raymond Astillas, Corporate Secretary Felipe Reyes III at Director for Advocacy and Partnerships Tina-Agel Romero.
Ibinigay ng PLCC kay Mayor Joy ang ‘Heart of Pride’ dahil sa kanyang dedikasyon sa pagsulong ng mga karapatan ng rainbow community sa QC.




