Mas papalakasin pa ng Quezon City Government ang programa laban sa HIV at AIDS, sa pakikipagtulungan sa Pilipinas Shell Foundation Inc (PSFI) at University of the Philippines – Diliman.
Ngayong umaga, pormal nang lumagda sa Memorandum of Agreement sina City Administrator Mike Alimurung, PSFI Executive Director Sebastian Quiniones, at UP Diliman Chancellor Edgardo Vistan II.
Sa kasunduan, magsisilbing modelo ang UP Diliman sa isasagawang campus-based HIV and AIDS information, counseling, testing, prevention, at intervention practices sa mga Higher Education Institution sa lungsod.
Titiyakin naman ng QC Government at PSFI na sapat ang kaalamat at kasanayan ng mga kawani ng UP Diliman sa pagtugon sa mga isyu ng HIV at AIDS. Itatalaga rin ang University Health Service bilang social hygiene clinic para sa UP Diliman Community.
Saksi sa MOA signing sina QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, UP Diliman Asst. Prof. Leander Marquez, at PSFI SR Coordinator Dr. Stella Flores.




