Pormal na nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Memorandum of Agreement kasama ang Ronald McDonald House Charities kung saan magbibigay ng 50 Read to Learn Kits para sa 50 pampublikong paaralan sa QC.
Nais nitong mapabuti at mahikayat pa ang pagbabasa ng mga mag-aaral lalo na ang Grade 1 students. Mabibigyan din ng lesson plan at training ang Grade 1 teachers, at worksheets ang mga mag-aaral.
Kasama rin sa pagpirma ng kasunduan ang pagbibigay ng 5% discount kada P200-P500 purchase sa lahat ng 63 QC branches ng McDonald’s. Available lamang ito sa mga QCitizen ID holders kada weekend, at magsisimula ang promo sa August 19 hanggang November 19, 2023.
Maraming salamat sa pamunuan ng McDonald’s na nakikiisa sa lokal na pamahalaan tulad nina Ms. Maria Margarita Torres, VP ng RMHC at Managing Director ng Golden Arches Development Corporation; Ms. Maricar Angeles, Executive Director ng RMHC, at Mr. Augustine Rosalio Torres, Public Affairs Manager ng Golden Arches Development Corporation.
Kasama rin sa pulong sina City Administrator Michael Alimurung, Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Santos, Schools Division Office Superintendent Ms. Carleen Sedilla, Education Affairs Unit Officer-in-Charge Ms. Maricris Veloso, at Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) head Mr. Jay Gatmaitan.






