Sa QC, patuloy na hinuhubog ang mga babaeng kabataan sa larangan ng STEM!![]()
![]()
Pormal nang nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte at ng SyCip Gorres Velayo & Co. (SGV & Co.), sa pangunguna ni Chairman at Country Managing Partner Rossana A. Fajardo, ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng EY STEM Project sa Quezon City.
Ang EY STEM App ay libre at gamified na mobile platform ng SGV & Co. at Ernst & Young (EY) na naglalayong hikayatin ang mga kabataang babae na tuklasin at pasukin ang larangan ng science, technology, engineering, at mathematics (STEM).
Lumagda rin sa kasunduan si QC Schools Division Superintendent Carleen S. Sedilla. Saksi sa MOA signing sina SGV & Co. Chief of Staff, Purpose Council Co-Chair at People, Brand and Innovation Leader Marnelli Eileen J. Fullon, at QC Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso.
Sa tulong ng programa, mabibigyang suporta at mas malilinang ang abilidad ng mga kababaihang mag-aaral sa STEM.










