Mas papalakasin pa ng lungsod ang programa para mapangalagaan ang kalusugan ng mga QCitizen, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Sa Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at ng pamunuuan ng VMMC, magtatalaga ang ospital ng dalawang OB-GYN residents sa Bagong Pag-asa Health Center.
Ang mga OB-GYN mula VMMC ang mangunguna sa pagbibigay ng kaalaman para maisulong ang kahalagahan ng regular check-up para sa komunidad, lalo na sa mga kababaihan.
Kasama ni Mayor Joy sa ceremonial MOA signing ngayong hapon sina VMMC Department of Obstetrics ang Gynecology Head Dr. Gilbert Reyes, at Dr. Malou Eleria ng Quezon City Health Department.