Magtutulungan ang Quezon City Government, Energy Regulatory Commission (ERC), at MERALCO para mas maisulong ang paggamit ng renewable energy.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ngayong hapon, mas papaigtingin ang pagsusulong ng net-metering program at distributed energy resources para mas mabilis at maging accessible sa mga residente ang pag-transition sa renewable energy.
Pinagtibay naman nina Mayor Joy Belmonte, Energy Regulatory Commission Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta, Meralco Senior Vice President and Chief Revenue Officer Ferdinand Geluz, at Meralco Vice President and Head of Utility Economics Lawrence Fernandez ang kolaborasyon na makakatulong sa kampanya ng lokal na pamahalaan na mabawasan ang carbon emission sa lungsod.
Sa Quezon City, aprubado na ang mas pinalawig na Green Building Ordinance na magsisiguro na lahat ng itatayong gusali at ire-renovate na establisyimento ay environment-friendly at naaayon sa international standards.
Naging saksi sa ceremonial MOA signing ang mga city department head, MERALCO officials, at iba pang opisyal ng ERC.




