Nakipagtulungan ang Quezon City Government sa Health and Wellness Solutions (HAWS) para mas mapadali at mas mailapit pa ang health services para sa mga person with disability.
Sa mobile app na PDAOQCares Referral System, magiging accessible na para sa mga person with disability ang pagpapakonsulta sa espesiyalista.
Sa pamamagitan din ng app, mabilis silang makakapag-set ng appointment na magpapaayos din sa queueing system ng healthcare institutions.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na malaking tulong ito sa lungsod para matugunan ang mga kinakaharap ng mga persons with disability.
Ang application ang ibayong magsusulong pa ng inclusivity, innovation, at pagde-decongest sa dami ng mga pasyenteng hawak ng healthcare professionals.
Kasama ni Mayor Joy sa MOA signing kaninang umaga sina Genevieve Cane at Russell Dave Lau ng HAWS, Persons with Disability Affairs Office Head Deborah Dacanay, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, at mga medical director ng city-owned hospitals.




