Nakipagkasundo ang Quezon City Government sa Meralco para sa relokasyon ng mga pamilyang nakatira sa lugar na sakop ng Botocan Line Corridor.
Maaaring magdulot ng panganib para sa mga residente ang paniniharahan sa Botocan Line Corridor, na lubos ding makakaapekto sa kanilang kabuhayan.
Base sa Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at Meralco CEO Manny V. Pangilinan, titiyakin ng Meralco at QC Government na may maayos at ligtas na malilipatan ang mga naninirahan sa area na sakop ng transmission line corridor.
Makikipag-ugnayan din ang Meralco at QC Government sa National Government para sa iba pang pamilya para sa kanilang housing and resettlement program.
Bukod kina Mayor Joy at MVP, lumagda rin sa MOA sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria, Housing and Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, at sina Atty. Arnel Paciano Casanova at Andrew Jason Tan ng Meralco.




