QC Government PUP para sa QCertified program!
Magtutulungan ang lokal na pamahalaan at ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) para matiyak ang tagumpay ng mga negosyanteng QCitizen, lalo na sa mga nasa food processing industry.
Sa partnership ng lungsod at PUP, libreng magagamit ng mga Micro, Small Enterprises and Cooperatives (MSEC) ng QC ang PUP Food Processing and Testing Center Shared Service Facility (FPTC-SSF) na bahagi ng QCertified program ng Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Sa ilalim ng QCertified program, titiyakin ng lokal na pamahalaan at ng PUP na maa-accredit ang mga MSEC at makakakuha ng mga kinakailangang certification mula Food and Drug Administration (FDA).
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at PUP President Dr. Manuel Muhi ang Memorandum of Understanding signing ceremony kaninang umaga, kasama sina SBCDPO Head Mona Yap at PUP Special Programs and Projects Office – Development and Monitoring Section Chief Abigail Andres.
Nauna nang nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa PUP sa pagsasagawa ng accounting for non-accountants seminar na dinaluhan ng mga MSME.




