Malapit nang i-solarize ang mga public school sa Quezon City!

Nasa 50 pampublikong paaralan ang target malagyan ng solar panels ng Quezon City Government.

Kapag solarized na ang mga gusali, makababawas ito sa gastos ng mga paaralan sa kuryente at mas maisusulong ang paggamit ng renewable energy. Mababawasan din ang kanilang carbon emission na nagpapalala sa climate change.

Ngayong hapon, pormal nang pumirma sa Memorandum of Agreement sina Mayor Joy Belmonte, Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla, City Administrator Mike Alimurung, at City Engineer Atty. Dale Perral.

Naging saksi din sa MOA signing ang mga city department head at mga miyembro ng Solar Technical Working Group.

Sa ngayon, solarized na ang tatlong gusali sa Quezon City Hall at dalawang public school. On-going na rin ang installation ng solar panels sa tatlong city-owned hospitals.