Sa Quezon City, may pantay na oportunidad para sa mga senior citizen at persons with disabilities!
Ngayong araw, nakipagkasundo ang Quezon City Government sa Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc (SPAVI) para mabigyan ng pagkakataon ang mga senior QCitizen at persons with disabilities na magtrabaho.
Sa ilalim ng memorandum of agreement, kukuha ang SPAVI ng mga senior at persons with disability at itatalaga sa iba-ibang branch sa loob ng limang buwan.
Pipili ang SSDD at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng mga kwalipikadong senior at persons with disability na mapasali sa programa. Ire-refer ng Public Employment Service Office (PESO) sa SPAVI ang mga napiling benepisyaryo.
Bago sumalang sa pagta-trabaho, sasailalim muna sila sa check-up at assessment ng Quezon City Health Department (QCHD) para matiyak ang kanilang kalusugan.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at SPAVI National Operations Director Carlos Robles ang MOA signing, kasama sina Social Services Development Department Head Carolina Patalinghog at SPAVI Chief Human Resource Officer Maria Elma Santos.
Naroon din sina PDAO Head Debbie Dacanay, PESO Head Batoy Reyes, at Novaliches District Hospital OIC Dr. Luzviminda Kwong.




