Titiyakin ng lokal na pamahalaan na bukas at ligtas ang QC para sa mga indibidwal na nangangailangan ng komunidad na kakalinga at kikilala sa kanilang mga karapatan.
Noong Lunes, pormal nang nakipagkasundo ang Quezon City Government sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) at national government agencies.
Sa Memorandum of Understanding, papalakasin ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga programa para sa kapakanan ng mga refugee, asylum-seekers, internally displaced people, stateless people, at refugees returning home.
Quezon City ang unang lungsod sa National Capital Region (NCR) na nagpahayag ng commitment para mapangalagaan at ma-proteksyunan ang mga refugee. QC rin ang unang lungsod sa bansa na nag-formalize sa commitment na ito, sa pamamagitan ng MOU.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte na lumagda sa MOU sina UNCHR Head of National Office Atty. Maria Ermina Valdeavilla-Gallardo, DSWD Asec. Ada Colico, DILG-NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin, DOJ Chief State Counsel Atty. Dennis Arvin Chan, at PESO Manager Rogelio Reyes.




