Lumagda ng Memorandum of Cooperation sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Mayors for Good Governance (M4GG) Convenor and Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Rev. Jose Colin M. Bagaforo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasama ang mga kinatawan ng Caritas Philippines, at Taongbayan’s Action for Participatory. Accountable, and Transparent (TAPAT) Governance.
Layon ng kasunduan na palawakin at paigtingin ang pagtutulungan ng iba-ibang ahensya at grupo sa isinasagawang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.
Dumalo rin sa pagtitipon si Mayors for Good Governance Convenor at Quezon City Mayor Joy Belmonte upang magbigay ng suporta sa patuloy na pagkilos kontra korapsyon.









