Pormal nang nilagdaan nina Persons with Disability Affairs Office Officer-in-Charge Debbie Dacanay at Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation, Inc. President Atty. Jose Racela IV ang Memorandum of Understanding na naglalayong sanayin ang mga PWDs upang maging handa sila sa pagsabak sa trabaho.
Nais din ng programa na hasain ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa pagtayo ng kanilang negosyo o pangkabuhayan. Mag-uumpisa ang programa sa mga benepisyaro na residente ng Brgy. Pasong Putik at Brgy. Sta. Monica.
Kasama sa lumagda sina District 5 Action Officer William Bawag, PDAO Operations Unit head Jeremy Sunga, LCDPFI Executive Director Hazel Joy Borja, at LCDPFI Project Officer Josephine Esteban.
Kabilang sa mga adbokasiya ng QC ang pagbibigay ng inklusibong komunidad para sa lahat ng QCitizen.







