QC 🤝 Philippine Children’s Ministry Network (PCMN)

Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Memorandum of Understanding upang palakasin ang kampanya laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa lungsod.

Ang REACT (Reduce Exploitation and Abuse of Children Together) Project ay may layon na wakasan ang OSAEC at bigyan ng ligtas na komunidad ang mga kabataang QCitizens.

Kasama sa mga lumagda sa MOU sina Social Services Development Department OIC Carol Patalinhug, PCMN National Director Fe Foronda, at PCMN Board of Trustees Chairperson Fr. Lendehl Rey Sallidao.

Kinilala rin ng Philippine Children’s Ministries Network si Mayor Joy bilang isa sa mga kampeon pagdating sa pagsusulong ng karapatan ng mga kabataan.

+9