Mas palalakasin pa ng Quezon City Government ang mga inisyatibo laban sa cancer!
Sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding ng lokal na pamahalaan, City Cancer Challenge, at Philippine Cancer Society (PCS), mas papabilisin pa ang pag-detect at pagtugon sa sakit at mas palalawigin ang kabuuang network ng cancer control.
Magbibigay ng suporta ang C/Can, katuwang ang PCS, sa Quezon City para paunlarin pa ang kakayahahan ng mga healthcare professional, at makabuo ng praktikal at pangmatagalan na programa laban sa cancer.
Quezon City ang unang lungsod sa Pilipinas na susuportahan ng C/Can. Nauna nang nakipagtulungan ang C/Can sa Greater Petaling sa Malaysia, Yangon sa Myanmar, at Phnom Penh sa Cambodia.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, C/Can Head of Global Harold Cottin, C/Can Regional Director for Asia Chika Kitajima, PCS President Dr. Corazon A. Ngelangel, at Quezon City Health Department Head Dr. Ramona Abarquez ang MOU signing ngayong Miyerkules.








