Isang makabatang araw, QC! 🧒👧

Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month, lumagda sina Mayor Joy Belmonte kasama si Usec. Angelo M. Tapales ng Council for the Welfare of Children sa ceremonial signing ng Memorandum of Understanding para sa pagtutulungan ng dalawang ahensya sa pagtaguyod ng QC Helpline 122 at MAKABATA Helpline 1383.

Kasabay nito, mas lalo pang ipinagtibay ang pakikipagtulungan ng QC government sa World Vision Philippines at Project ACE upang wakasan ang child labor sa pamamagitan ng Zero Child Labor Campaign upang protektahan ang karapatan ng bawat bata. Kasama dito ang pagsasailalim sa training ng mga QCitizen Helpline 122 call takers upang mas mabilis na aksyunan ng pamahalaan ang mga batang biktima ng child labor o ng anumang karahasan na nais dumulog sa pamamagitan ng helpline.

Kaisa sa programa sina, Ms. Bernadette G. Velasco, Project Development Officer II ng CWC, Mr. Rommel V. Fuerte, National Director ng World Vision Philippines, Ms. Daphne DG. Culanag, Project Director ng World Vision – Project Against Child Exploitation (ACE), Mr. Rogelio Reyes ng QC Public Employment Service Office, Ms. Eileen M. Velasco, Officer-in-Charge ng Social Services Development Department, at Mr. Carlos Verzonilla, Action Officer ng Quezon City Citizen Services Department.

+24