Pormal nang lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon at ang IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP) ngayong araw.

Layunin ng MOU na mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa mga pribadong sektor.

Tinanggap din ng lokal na pamahalaan ang donasyong computers ng IBPAP na ilalaan sa Quezon City Science High School.

Tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa MOU signing si City Administrator Mike Alimurung, kasama sina Local Economic Investment Promotions Office head Jay Gatmaitan, IBPAP Chief Operating Officer Celeste Ilagan, at Concentrix VP & Legal Counsel Atty. Mike Montero.

#TayoAngQC

#QC85th

+15