Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtutulungan ang QC Government at MERALCO para sa mas ligtas at maliwanag na Quezon City!
Pormal nang lumagda si Mayor Joy Belmonte sa Memorandum of Understanding kasama ang MERALCO, sa pangunguna ni Home and Micro Business Group-North Area Head Alleni Pascual.
Layon ng MOU na palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at MERALCO, lalo na sa anti-dangling wires operations, electrification ng mga komunidad, disaster preparedness, at pagpapatayo ng karagdagang imprastraktura at pasilidad para sa mas maayos na serbisyo sa mga residente.










