Pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Quezon City Government at Ateneo De Manila University (ADMU) para sa “Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) Platform”.
Ang FASSSTER ay isang model o system na magbibigay ng early warning signal upang maiwasan ang disease outbreak katulad ng COVID-19 at dengue.
Sa pamamagitan nito maagang maaagapan ang pagkalat ng sakit at mabilis na matutugunan ang pangangailangan ng mga residente ng lungsod.
Nilagdaan ito nina Mayor Joy Belmonte, Quezon City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, ADMU President Fr. Roberto C. Yap, S.J, at ADMU Project Leader Dr. Timothy Robin Teng.




