Pagdating sa kalusugan, no one is left behind!

Pinirmahan nina Mayor Joy Belmonte, Department of Health NCR Regional Director Dr. Rio Magpantay, at PhilHealth PRO-NCR Vice President Dr. Bernadette Lico ang Memorandum of Understanding para sa Universal Health Care Integration Site (UHC-IS).

Sa pamamagitan ng MOU, sinisiguro ng lokal na pamahalaan, DOH, at PhilHealth na mabibigyan ng access sa mga serbisyong medikal ang QCitizens tulad ng check up, emergency care, at pagpapagamot sa mga health facility sa lungsod.

Kasama rin sa lumagda sina PhilHealth LHIO QC head Jose Sidfry Panganiban, City Health Department OIC Dr. Ramona Asuncion Abarquez, at DOH NCR DMO Ms. Sally Espeleta.

+5