Nakipagkasundo ang Quezon City Government sa Ninja Van Philippines para mas mapalakas pa ang kapasidad at kakayahan ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises.
Lumagda sa Memorandum of Agreement sina Mayor Joy Belmonte at Ninja Van Country Head Jose Alvin Perez kaninang umaga, kasama sina Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Celine Yap, at Ninja Van Chief Commercial Officer Sabina Lopez-Vergara.
Magtutulungan ang QC at Ninja Van para mabigyan ng libreng pagsasanay ang mga QCitizen MSME owner, at paggamit ng mga bagong app at platform ng Ninja Van.