Nilagdaan na ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Quezon City Government, QC Schools Division Office, at Global Resilient Cities Network, sa tulong at suporta ng Temasek Foundation.
Ito ay sa ilalim ng programang OASIS (Openness, Adaptation, Sensitisation, Innovation, and Social Ties) Schoolyard Program.
Layon nitong makapaglagay ng open at green spaces sa mga paaralan ng Quezon City para sa mas malusog at mas produktibong magaaral.
Ang Quezon City ang pinakaunang lungsod sa buong Asia na makakapagpatupad ng inisyatibong ito.
Ang MOU ay nilagdaan nina City Administrator Michael Alimurung, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Resilient Cities Network Executive Director Lauren Sorkin, at Temasek Foundation Senior Director and International Programmes Lead Stanley Lee.