Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Memorandum of Understanding kasama ang United Nations Development Programme ukol sa pagpapatupad ng Accelerating Nationally Determined Contribution (NDC) through Circular Economy Cities (ACE Project) sa Lungsod Quezon. Layon ng programa na makipagtulungan sa UNDP sa pagsasagawa ng mga proyekto at polisiya na makatutulong sa paglinang ng kalikasan tungo sa pagkamit ng circular economy. Kabilang na dito ang pagsasagawa ng capacity building, workshops, at pagsasaayos ng waste management system sa komunidad.

Kasama rin na lumagda sina Dr. Selvakumaran Ramachandran, Resident Representative ng UNDP, Ms. Andrea Villaroman ng Climate Change and Environmental Sustainability Department, Mr. Emmanuel Velasco ng Sustainable Development Affairs Unit, Mr. Francis Capistrano, OIC Impact Advisory Team ng UNDP, at Mr. Anthony Dela Cruz, Project Manager ng UNDP.

Noong October 3, 2022 nagpasa ang City Council ng City Resolution No. 9065-2022 upang sumailalim sa MOU ang pamahalaang lungsod kasama ang UNDP sa pagpapatupad ng ACE Project.