Mas pinalawig pa ng Quezon City Government ang mga education, skills, at livelihood opportunities para sa mga QCitizen!
Nakipagkasundo ang lokal na pamahalaan sa UST Angelicum College para makapagbigay ng scholarship at education opportunities sa mga residente ng lungsod.
Sa Memorandum of Understanding na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at UST Angelicum College Rector-elect Rev. Fr. John Stephen Besa, mabibigyan ang mga QCitizen mula sa marginalized sector ng Technical Vocational Training Program (TVET) scholarship, subsidized bachelor’s degree para sa mga second chance learners, at full scholarship para sa senior high school at kolehiyo.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga kawani ng QC Government na dumalo at makilahok sa mga seminar at short-term teaching at research programs ng UST Angelicum College.