QCITIZENS AGAINST VIOLENCE! 🤚

Sabay-sabay na tumindig at nanumpa ang nasa 7,000 kalalakihan bilang myembro ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) movement ng Lungsod Quezon sa Camp Karingal.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na ngayong #WomensMonth ay mahalaga ang partisipasyon ng mga lalaki upang makamit ang tunay na pagkapantay-pantay ng bawat isa sa QC.

Nauna nang nangako ng kanilang commitment ang 1,000 QCitizens sa District 5 kahapon.

Present din sa programa sina Vice Mayor Gian Sotto, D5 Rep. PM Vargas, Councilor Rannie Ludovica, Councilor Banjo Pilar, Councilor TJ Calalay, QCPD chief Redrico Maranan, MOVE Vice Chairperson for Luzon Donald Amado, MOVE Secretary General Jonathan Pascual, mga District Action Officers, at QC Department heads.

#QC85th

#TayoAngQC

+25