Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kumusta ka?
Minsan, ang simpleng pangungumusta ay malaki ang naitutulong para maibsan ang lungkot at bigat na nararamdaman.
Kaya ngayong Men’s Mental Health Awareness Month, huwag kalimutang kumustahin ang ating mga kuya, tatay, tito, lolo, kumpare, tropa, o ka-brod ninyo.
Iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Dito sa QC, patuloy ang pagbibigay-suporta sa mga programa para sa mental health ng bawat residente, alinsunod sa Quezon City Mental Health Code of 2022.
Huwag mag-atubiling lumapit sa ating mga health center at mental wellness access hubs para sa libreng mental health services.
https://quezoncity.gov.ph/qcitizen…/mental-health-hubs






