Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte sa inilunsad na “Mental Health Muna: Galaw Laban sa Stigma,” ng Youth for Mental Health Coalition (Y4MHC) na may temang Making Mental Health and Well-being for All. Nakatuon ang event sa pagbibigay importansya at maipakalat ang awareness sa mental health, physical health, at nutrisyon ng bawat indibidwal.

Ayon sa mga organizer, nasa 500 mga volunteer bikers ang dumalo sa kanilang bike run na umikot sa Lungsod Quezon (QC).

Kasama ng Alkalde na dumalo sina Persons with QC Disability Affairs Office OIC Deborah C. Dacanay, Department of Health OIC-Undersecretary Dr. Beverly Lorraine C. Ho, MD, MPH, QC Sangguniang Kabataan Federation President Councilor Noe Lorenzo Dela Fuente III, Y4MHC National President Ras Alyannah Lagasca, at Ann Angala ng Coalition of Bike Advocates for Mental Health.