Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa Quezon City Science High School, umapaw ang inspirasyon sa Gary V. Face 2 Face event kasama ang nag-iisang “Mr. Pure Energy” o si Gary Valenciano. ![]()
![]()
Isang tapat at makabuluhang kwentuhan tungkol sa mental health, social media, at pananampalataya ang inihanda niya para sa mga estudyante.
Naghandog din si Gary ng mga awiting puno ng pag-asa at inspirasyon para mas lalong pasiglahin at tibayan ang loob ng ating mga Scientians.
Kasama rin si Assistant Schools Division Superintendent Isabelle Sibayan sa pagsuporta sa mas ligtas at mas maalagang espasyo para sa lahat ng batang nag-aaral.
Dito sa QC, tuloy ang pag-aalaga sa isip at puso ng bawat bata upang makapag-aral sila nang mas mahusay.








