Batang Ina, alaga ka!
Layon ng lungsod na mas maging epektibong magulang ang mga adolescent mother ng Quezon City.
Isinagawa ngayong araw ang Mental Heath Awareness Program para sa ating BIDA (mga Batang Ina Dapat may Alam) na proyekto ng Gender and Development Office.
Pinaalala ni Mayor Joy Belmonte na kasama ng ating mga ina ang lokal na pamahalaan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap kahit sila ay may anak na.
Kasabay nito ay ipinaliwanag ng iba-ibang departamento ang mga programa para sa kanila at sa kanilang mga anak. Kabilang dito ang libreng konsultasyon sa kalusugan, puhunan para sa negosyo, scholarship, trabaho, at mga training.
Isinagawa ang event sa pakikipagtulungan ng QC Health Department, QC General Hospital, Social Services Development Department, QC Youth Development Office, Public Employment Service Office, GAD Council at Mind You Mental Health Systems, Inc.