BUSINESS IN QC, HASSLE-FREE
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Mentorship, Money, Market (3M) On Wheels ng Go Negosyo sa TriNoma Mall ngayong araw.
Ayon sa Alkalde, mas mabilis at hassle-free na ang pagtatayo at pagne-negosyo sa Lungsod Quezon dahil sa pag digitalize ng mga business processes ng City Hall.
Hinimok din ni Mayor Belmonte ang QCitizen entreprenuers na tangkilin ang mga programa ng lokal na pamahalaan na handang magbigay ng seed capital para sa mga nais mag-umpisa ng kanilang negosyo.
Aabot sa 100 ang mentors mula sa iba-ibang businesses ang nagbigay ng face-to-face mentoring sessions para sa mga aspiring at existing entrepreneurs sa QC.
Dumalo rin sa programa sina Business Permit and Licensing Department head Margie Santos, Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Mona Yap, Philippine Chamber of Commerce and Industry – QC President Atty. Arnel Mateo, at Go Negosyo Founder Joey Concepcion.