ZERO WASTE PRODUCT IN QC!
Nakatanggap si Mayor Joy Belmonte ng isang zero waste product sa kanyang pagbisita sa Sacred Heart Village sa Barangay Pasong Putik ngayong araw.
Ang obrang Metallic Bonsai ay handcrafted ni Maximo Bautro gamit ang mga recycled materials mula sa Material Recovery Facility sa village.
Hangad ng Alkalde na gayahin ito ng mga komunidad at barangay sa Lungsod Quezon, dahil alinsunod ito sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng ibang saysay ang mga itinatapong basura.
Maraming salamat sa Sacred Heart Village Homeowners Association para sa inyong munting regalo.



