Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Metro Manila Association of Cooperative Development Officers (MEMACDO) 2023 Planning Activity na pinangasiwaan ng QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Layon ng MEMACDO na palakasin ang mga kooperatiba sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang best practices, priority plans at strategies.
Dumalo rin sa planning activity sina SBCDPO head at QC Cooperative Development Officer Mona Yap, MEMACDO President Vivian D. Gabriel mula sa Makati City, MEMACDO Vice President Lerica B. Juarez mula sa Taguig City, at mga miyembro ng MEMACDO na mula sa iba-ibang syudad sa Metro Manila.