Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) na ginanap sa Diamond Hotel sa Maynila.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pulong kung saan tinalakay ang “Ligtas Christmas” campaign ng Department of Health at ang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nakasentro ang Ligtas Christmas sa tatlong paalala ngayong Kapaskuhan: tamang pagkain at ehersisyo, ligtas na pagbiyahe, at pag-iwas sa paputok.
Ibinahagi rin ni Chairman Artes ang mga aktibidad para sa 51st MMFF
Tumanggap naman ang 17 Metro Manila Local Government Units kabilang ang Quezon City ng bagong Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa PCSO. Pinangunahan ni PCSO GM Mel Robles ang turnover sa Metro Manila Council meeting, bilang pagtupad sa direktiba ng Pangulo na mabigyan ng PTV ang lahat ng LGU sa bansa.
Nagpasalamat si Mayor Joy Belmonte sa PCSO dahil malaking tulong ang bagong PTV para mabilis na makarating ang serbisyong medikal sa bawat QCitizen, lalo na sa panahon ng emergency at disaster response.








