Upang mapigilan na ang madalas na pagbaha sa unang distrito, nakipagpulong sina Mayor Joy Belmonte at District 1 Rep. Arjo Atayde sa mga kinatawan ng World Bank at Department of Public Works and Highways (DPWH) para talakayin ang bahagi ng Metro Manila Flood Management Project na gagawin sa District 1.
Handa namang makipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa national government para masimulan na ang proyekto. Binanggit din ng alkalde ang Drainage Master Plan ng lungsod na nagsisilbing basehan sa pagbuo ng anti-flood efforts.
Kasama rin sa pagpupulong sina City Legal Officer Atty. Niño Casimiro, City Engineering Department chief Dale Perral, City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, at Social Services Development Department OIC Rowena Macatao.