Dumalo ang Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) sa Metro Manila Solid Waste Management Board – Technical Working Group Year-End Consultative Meeting ng MMDA noong December 10, 2025 sa Red Hotel, Cubao.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga programa ng LGUs para sa 10-Year Solid Waste Management Plan upang masiguro ang maayos at epektibong pagpapatupad ng waste management initiatives sa Metro Manila.
Tinanggap ng lungsod ang mga sumusunod na parangal:
– Top 1 Best Performing LGU sa Metro Manila
– Rank 2 Performing LGU para sa tuloy-tuloy na pagsusumite ng updated compliance reports at pagsunod sa Solid Waste Disposal Reduction Target
– Recognition for High Compliance sa pagpapatupad ng strategies sa ilalim ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program
Patunay ang mga parangal na ito sa patuloy na dedikasyon ng Quezon City Government sa tapat, mahusay, at makataong paglilingkod para sa bawat QCitizen.






