Naimbitahan si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, Defense Sec. Gilbert Teodoro, DILG Sec. Benhur Abalos, at iba pang panauhin sa “Michelangelo’s Sistine Chapel: The Exhibition” sa Pasig City.
Tampok sa exhibit ang life-sized replica ng mga paintings ng Italian renaissance artist na si Michelangelo.
Bahagi ng kikitain sa exhibit ay mapupunta sa The Philippine Red Cross national blood service program at ng “Hapag Movement” na isang inisyatibo na naglalayong gamitin ang teknolohiya bilang paraan upang maibsan ang gutom.
Tatakbo ang exhibit mula July 1, 2023 hanggang September 30, 2023 sa Estancia Mall sa Pasig City.