Ngayong Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSME) Day, ating bigyang-pugay ang malaking kontribusyon ng bawat maliit na negosyante at entrepreneur sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Kaisa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office, sa pagbuo ng iba-ibang programa at inisyatiba para sa ikabubuti at ikauunlad ng mga maliliit na negosyo sa lungsod.
Kaya sa darating na pagdiriwang ng MSME Week 2025 sa QC, samu’t saring seminars, training sessions, at mentorship activities ang handog ng lokal na pamahalaan para sa inyo, QCitizens!
Bisitahin ang post na ito para sa iba pang detalye tungkol sa QC MSME Week 2025: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid028gcjRMDER23Q1xkBoFhXXjyYSHphcRCQagXvyjMpFNVrUXXRQDFgfyqKsdH8Pc3tl
