JUNE 27 is MSME Day ![]()
Ngayong June 27, ipinagdiriwang ang Micro-, Small-, and Medium-sized Enterprises (MSME) Day bilang pagkilala sa mahalagang papel ng maliliit na negosyo at mga entrepreneur sa pagpapalago ng ekonomiya at paglikha ng mga oportunidad sa lungsod.
Sa pangunguna ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO), patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang sumusuporta sa paglago ng mga MSME sa Quezon City.
Kabilang sa mga inisyatibong ito ang Pangkabuhayang QC, POP QC Bazaars, at iba-ibang libreng training para sa QCitizen small business owners at QCpreneurs.
Bilang pagpupugay sa sipag at tagumpay ng ating mga maliliit na negosyante, makiisa sa pagdiriwang ng QC MSME Week 2026 sa darating na July 6–11, 2026. Abangan ang mga aktibidad sa: tinyurl.com/QCMSMEWeek2026






