Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inaugural meeting ng Migration and Development Council ngayong Huwebes.
Paksa ng pulong ang pagpapaunlad ng mga programa ng lokal na pamahalaan na kumakalinga sa overseas Filipino workers at kanilang pamilya sa Lungsod Quezon.
Nakibahagi sa pulong sina Department of Migrant Workers Asec. Jerome Alcantara, Marie Dacasin ng International Labour Organization, Councilor Candy Medina, QC PESO Manager Rogelio Reyes, at mga miyembro ng konseho.








