QCitizens, tara na’t mag-food trip at mamili sa Milagrosa Night Market!
Mga masasarap na pagkain at de-kalidad na produkto ang mabibili rito, na gawa mismo ng mga QCitizen ng Barangay Milagrosa at kalapit na mga komunidad.
Nakisaya si Mayor Joy Belmonte sa pormal na pagbubukas ng Milagrosa Night Market kasama sina Coun. Wency Lagumbay, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Milagrosa Punong Barangay Andrew Cuizon, at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap.
Bukas ang Milagrosa Night Market sa Project 4 Park tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo, mula 4:00PM hanggang 11:00PM.