Sa layuning mas malinang pa ang kaalaman at kakayahan ng mga batang QCitizen, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Vivita Philippines Country Manager Gabe Mercado ngayong araw.

Ang Vivita ay isang international organization na naka-pokus sa mga kabataan upang mapalinang ang kanilang pagiging malikhain at imahinasyon.

Layon ng pagpupulong ang posibleng kolaborasyon ng Lokal na Pamahalaan sa Vivita upang magkaroon ng creative spaces sa lungsod para sa iba-ibang workshop sa technology, art, at entrepreneurship.

Dumalo rin sa meeting sina Local Economic And Investment Promotions Office head Jay Gatmaitan, Quezon City Tourism Department OIC Maria Teresa Tirona, at QC Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso.

+4