Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pormal nang nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at Philippine Statistics Authority – NCR Regional Director Paciano Dizon ang Memorandum of Agreement para sa turnover ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) data.
Kasama sa MOA signing ceremony sina City Planning and Development Department OIC Dr. Jed Gomez at City Legal Officer Atty. Carlo Austria.
Nakiisa rin sa seremonya ang ilang kinatawan ng PSA-NCR na sina Chief Statistical Specialist Jing Rocabo (Statistical Operations & Coordination) at Helen Adolacion (Provincial Statistical Office).
Ang CBMS data ay magsisilbing batayan sa pagtukoy ng tunay na pangangailangan ng bawat komunidad. Mahalaga rin ito sa pagpaplano ng mga polisiya at programa ng lungsod para sa bawat QCitizen.










