Pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang Memorandum of Understanding kasama sina Ms. Ma. Estela Nievera, President and CEO, Mr. Alipio Bernardo, COO, at Mr. Terence Lee Pangilinan, Consultant and Partner ng Cabalen Group of Companies ukol sa pagkuha o hiring ng mga deaf Persons with Disability (PWDs) sa kanilang mga restaurants.
Nakiisa naman sina Ms. Deborah Dacanay ng QC Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Mr. Rogelio Reyes ng Public Employment Service Office (PESO) sa MOU signing.
Ito ay isa sa mga hakbang ng QC upang mabigyan ng oportunidad ang mga QCitizens na may kapansanan na makapaghanapbuhay at makatulong para sa kanilang pamilya.












